Anti-smoking violators umabot na sa 4,628

UMABOT na sa 4,628 indibidwal ang nadakip ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa paglabag sa ipinatutupad na Anti-Smoking Law.

Sa isang balitaan ng Public Information Agency-Communication and News Exchange Forum sa Quezon City, sinabi ni MMDA General Manager Corazon Jimenez na karamihan sa mga violator ay nagbayad ng P500 sa halip na mag-community service ng walong (8) oras.

Bagama’t marami pa rin ang naninigarilyo sa mga pampublikong lugar, naniniwala ang ahensya na malaki na ang nabawas sa bilang nito simula nang ipatupad ang kampanya noong Hulyo.

Matatandaang sinimulan ang nasabing polisiya noong Hulyo 1 o 36 araw na ang nakararaan.

Kabilang sa mga lugar na ipinagbabawal ang mga public utility vehicle, terminal, dyip, tricycle, school, hospital, bar at mga restaurant.

Bukod dito, hindi na rin umano papayagan pang manigarilyo sa mga kalsada at sa mga lugar na pinaghahandaan ng mga pagkain ang mga smoker.

Lalo pang paiigtingin ng MMDA ang pagbabantay sa anti-mmoking ban areas hanggang sa tuluyan nang bumaba o mawala na sa bansa ang mga naninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply