Apela ng Arroyos laban sa watchlist order isusumite sa SC

NAKATAKDANG isumite ngayong hapon (Biyernes) sa Korte Suprema ang petisyon ng kampo ni dating unang Ginoong Juan Miguel “Mike” Arroyo para tanggalin ang watchlist order laban dito.

Ayon kay Atty. Inocencio Ferrer, abogado ni Arroyo, tinatapos na nila ang draft para sa ihahaing petisyon at agad nila itong ihahain sa Korte.

Ipinaliwanag ni Ferrer na wala namang dahilan para isama sa immigration watchlist ang mga Arroyo dahil bukod sa may sakit din ang dating Pangulong Gloria Macapagal–Arroyo ay hindi naman lalabas ng bansa ang mga ito.

Sa kabila nito, nagmimistulang “inquiry in aid of prosecution” ang ginagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa pagbebenta ng second hand choppers sa Philippine National Police (PNP) sa presyong brand new..

Ayon kay Ferrer, nagmimistulang may kongklusyon na sa kaso ang ilang nagtatanong sa resource persons.

Kinuwestiyon din ni Ferrer ang pagsasailalaim witness protection program kina Archibald Po at Hilario De Vera sa kabila ng pag-amin ng mga ito na sangkot sila sa anomalya.

Bukod dito, sinabi rin nito na hindi maghahabol ang dating unang ginoo sakaling ipanukalang i-donate na lamang ang natitirang helicopter sa hangar ng Lion Air.

Ito aniya ay dahil sa hindi naman kay Mike Arroyo ang mga naturang helicopter at hindi rin naman ito ang nakapirma sa lease order.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply