Aplikante para ARMM gov dumadagsa

PATULOY na dumadagsa ang nagsusumite ng aplikasyon para makaupong Officer-In-Charge (OIC) regional governor sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Bukod sa 100 nagsusumite ng aplikasyon hanggang sa kasalukuyan ay may mga humahabol pang mga aplikante para sa naturang posisyon.

Ayon kay Presidential Adviser on Political affairs Ronald Llamas, kabilang sa mga high-profile applicants sa posisyon ay sina Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen ng Kabuntalan; talunang 2010 senatorial bet Atty. Adel Tamano ng Marawi City; former Sultan Kudarat Rep. Pakung Mangudadatu ng Buluan at former Anak Mindanao Partylist Rep. Mujiv Hataman ng Basilan.

Hindi naman nagkomento si Llamas kung may miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nagsumite ng application. Pero si dating MILF spokesman Eid Kabalu ay lantrang umamin na bumitaw muna sa puwesto para mag-ambisyon din.

Kasabay nito, ipinaalala naman ng Palasyo na ngayon August 26 Biyernes na ang deadline ng pagsusumite ng application bilang ARMM officers-in-charge.

Kabilang sa mga bakanteng posisyon ang isang OIC regional governor; isang OIC regional vice governor at 24 OIC members ng legislative assembly (tig-tatlo mula sa Basilan at Tawi-Tawi habang tig-anim sa Maguindanao, Lanao del Sur and Sulu). Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply