APO suportado ang RH bill

SUMUPORTA na rin ang mga opisyal at miyembro ng Alpha Phi Omega (APO) International Collegiate Service Sorority para sa mabilis na pagsasabatas ng Reproductive Health (RH) Bill.

Upang ipakita ang suporta ay dadagsa ang may 500 miyembro ng APO kasama pa ang ibang student organizations, NGOs, civil society groups at mga lider ng RH bill sa isang simbolikong pagpupulong na tinaguriang “Fast Track RH Bill Now!”

Magkakaroon ng manifesto signing, fun run/walk at human ribbon formation ang mga makikilahok, na umano’y magsusuot ng pula.

Dadalo umano sina rand Lady Chancellor Rochella Jose at si Prime Lady Chancellor ng UP APO Sorority na Ivy Velasco at ang National Chairperson ng Democratic Socialist Women of the Philippines (DSWP) na si Elizabeth Angsioco upang upang magbigay ng kanilang pahayag kung bakit nila sinusuportahan ang nabanggit na bill.

Ang aktibidad ay idaraos ngayong alas-9:00 ng umaga, Agosto 1, sa Grandstand ng UP Sunken Garden at ang fun run ay gagawin sa Academic Oval ng nabanggit na unibersidad. Ben Reyes

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply