Aquino kinondena sa mabagal na hustiya sa media killings

KINONDENA ng isa sa pinakamalaking samahan ng campus journalist ang mabagal na pag-usad ng katarungan sa media killings katulad ng pagpaslang kay Dr. Gerry Ortega na siyang nagpapalala sa bulok na sistema ng katarungan sa bansa.

Sa pahayag, sinabi ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), kailangan nang pabilisin ng Aquino administrasyon ang paglutas sa media killings dahil isinandig ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang pamamahala sa karapatang pantao at mabilis na katarungan.

Matatandaan na pinaslang si Ortega sa Palawan noong Enero 24, na siyang ika-142 biktima ng media killings simula nang manungkulan si yumaong Pangulong Cory Aquino. Mahigpit na tinututulan ni Ortega ang patakaran ng pamahalaan lokal hinggil sa operasyon ng minahan sa Palawan.

“Justice delayed is justice denied,” ayon kay Pasion.

Kasama ang CEGP sa ilang kaanak ni Ortega na nagpahayag ng saloobing sa ginanap na press conference nitong Agosto 28 na hudyat ng muling pagpapaigting ng kampanya para sa katarungan sa pagkamatay ng environmentalist at hard-hitting radio broadcaster.

Sa ginanap na press conference, nagsindi ng kandila sa isang cake ang grupo kasama ang pamilya nito bilang pagpugay sa kaarawan ni Ortega na may kahilingan na makamit ang katarungan at maipakulong ang salarin.

“Clearly, the “culture of impunity that has existed in its most vicious form” during Gloria Arroyo’s term continues to thrive under President Benigno Aquino III’s administration, “ ayon pa kay Pasion.

Pangunahin si Ortega tulad ng ibang biktima ng media killings na lubhang bumabatikos sa maling patakaran sa ekonomiya ng pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply