Areque kinopo ang Palmera Springs Chess tourney

GINIBA ni Jerry Areque si Kevin Mirano sa sixth at final round upang kopohin ang titulo sa 1st Palmera Springs 1-Camarin 2050-below Chess Championship na ginanap sa Covered Court ng Palmera Springs 1, Camarin, Caloocan City ngayong araw.

Ang 40-anyos Areque na taga Novaliches, Quezon City gumamit ng slav opening upang itarak ang 5.5 puntos at ibulsa ang P5,000 top prize sa event na sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines, (NCFP) at sa pakikipagtulungan ng Philippine Academy for Chess Excellence, (PACE).

Tinanghal na second place si 15-year-old McDominique Lagula matapos niyang talunin sa tie-break points si Adrian Perez.

Parehong may tig 5.0 puntos sina Lagula, isa sa mga inaalagaang chess player ni NCFP Executive director GM Jayson Gonzales at Perez na taga Caloocan kaya pinaghatian nila ang pinagsamang P,3000 sa 2nd place at P1,500 sa third place.

Samantala, si Eliezer Sanchez na may 4.0 points ang nag Top Unretaed, ang 61 year old Cesar Medina (4.0) ang Top Senior, si 14-year old Charles Daniel Abuzon ang Top Kiddie habang si FEU student Angelina Martos ang Top Lady.

Sina Areque, Lagula at perez ay tumanggap din ng trophies habang sina Sanchez, Medina, Abuson at Martos ay nakakuha ng tig P700 at medals sa event na sinuportahan ng Philippine Sports Commission, Royal King Bren and Tony Fabico.

Nakasama sa awarding ceremony sina Palmera Springs 1 Homeowners Association officials Rey Subijano, president; Tess Miranda, vice-president, Imelda Chua, board member at co-organizers Arman Armero, Sergio Opeda at International Arbiter Gene Poliarco.

Sina Asia’s first grandmaster Eugene Torre at World Cup qualifier GM Mark Paragua ang naging special guest sa opening ceremony habang nakasama nila sa ceremonila moves sina11-year old Natalie Kyle Abuzo at PSHA’s president Subijano ayon sa pagkakasunod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply