Aresto sa kidnaper ng Surigao mayor kuryente

PINALAGAN ng awtoridad ang balitang naaresto na ang isa sa mga suspek kaugnay sa pagdukot kay Lingig Surigao Del Sur Mayor Henry Dano.

Ani Surigao Del Sur Gov. at Crisis Management Committee Chairman Johnny Pimentel, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin bukas ang komunikasyon ng kanilang komite mula sa mga dumukot sa biktima.

Umapela naman si Pimentel sa mga dumukot na huwag saktan ang naturang alkalde at makipag-ugnayan sa kanila upang mabigyang linaw ang motibo sa nasbaing insidente.

Sa ngayon ay patuloy na nakikipagtulungan ang operatiba sa pamilya ni Dano para agarang pagkakatunton sa kanyang lokasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply