Ari ng 4-anyos dinalirot ng lolo, namaga

“ITAY, ipinasok po ni Lolo Rey ang daliri niya sa ari ko kaya po namaga at sumasakit!”

Ito ang luhaang sumbong ng isang apat na taong gulang sa kanyang ama na naging dahilan para masakote ang kapitbahay na isang lolo kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt. Eric Noble, hepe ng Meycauayan PNP, ang suspek na si Reynaldo  Gacutan Maranan, 63, ng 387 Maligaya Village Brgy. Pajo, City ng Meycauayan, Bulacan habang itinago naman sa pangalang “Danica” ang apat na taong biktima.

Ayon kay Noble, dumulog sa himpilan ng pulisya ang mag-ama para ireklamo ang 63-anyos na kapitbahay na suspek ng pangmomolestiya sa bata.

Nauna nito, inirereklamo umano ng bata sa kanyang ama na nananakit at namamaga ang kanyang ari at nang tanungin ng ama ang bata ay agad nitong isinumbong na ipinasok ng suspek ang kanyang daliri sa kanyang ari.

Bunga nito, inatasan naman agad ni Noble si Women and Children’s Desk Investigator, P01 Raquel April Santiago na dakpin ang suspek na si Gacutan na hindi naman nakapalag pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply