Armadong may sayad namaril ng nanay, nanunog ng bahay

PINAG-IINGAT ngayon ang mga residente sa Antipolo City sa gumagalang armadong may sakit sa pag-iisip na itinuturong sumunog ng inuupahang bahay ng kapatid at bumaril sa sariling ina kagabi.

Ayon kay Antipolo City chief of Police P/Supt. Rodino Elfa ang suspek na si Laurence Rueda, 41, ay tumakas matapos pagbabarilin ang inang si Francia Dano, 64, ng Blk. 10, Lot 55,  Woodrow Hills Subd., Brgy. Dalig, nasabing lungsod.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9:00 ng gabi sa bahay ng biktima kung saan dumating ang suspek na armado ng baril kasabay ng pagsasabing “Ano ang ginagawa n’yo sa akin”.

Hindi masyadong pinansin ng kinakasama ng biktima na si Bonifacio Dano ang sinasabi ng suspek at umalis ito para bumili ng mineral water sa kabilang kalye.

Laking gulat na lamang nang makarinig ng sunod-sunod na putok at nang balikan ang kanilang bahay ay nakitang nakabulagta at duguan na ang kinakasama.

Nauna rito, sinunog ng suspek ang inuupahang bahay ng kapatid nito sa Maia Alta Subdivision bago tinungo ang bahay ng ina.

Hinala ng mga kaanak na sinumpong ng kanyang sakit sa pag-iisip ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply