Army Lady Troopers sinuwag ng SSC Lady Stags

PINATIKIM ng San Sebastian College-Recoletos ang Philippine Army Lady Troopers ng kanilang unang pagkatalo sa loob ng limang maiigting na sets tungo sa pagkakapantay nila sa elimination round ng Shakey’s V-League Open Conference sa The Arena, San Juan City kahapon, Huwebes.

Si Stag American import Lauren Ford ay umiskor ng 25 hits, nagtala ng apat na blocks at sariling record na 21 attacks. Nakasuporta rin sina Jeng Bualee sa kanyang 20 hits habang si Joy Benito ay pumalo ng 13.

Ang Army volleybelles sa pagbibiga ni Rachel Ann Daquis ay nagtala ng 20 hits kabilang ang 17 attacks samantalang 11 ang inambag ni Mary Jean Balse at 10 ni Michelle Carolino na hindi nakasapat para bumagsak sila sa 21-25, 25-17, 19-25, 25-19, 12-15.

Sinorpresa naman ng Perpetual Help Altas sa 3 straight sets ang Philippine Navy 25-20, 25-23, 25-17 tungo sa pag-iwas sa outright elimination na tangan ang 1-5 win-loss slate habang hinihintay ang magiging resulta ng paluan sa pagitan ng Maynilad Water Dragons (1-4) at Air Force (2-4) na posibleng desisyunan sa isang playoff ng Water Dragons at Altas kapag nanaig ang Air Force Lady Volleybelles.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply