Army base nakubkob ng NPA, apat patay

PATAY ang apat katao, kabilang ang isang sundalo nang salakayin ng mga miyembro ng New People’s Army ang isang Army patrol base sa Compostela Valley, kanina.

Ayon kay Colonel Leopoldo Galon, tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command, lulan ng dalawang truck ang mga rebelde nang sumalakay sa Tagbalabao detachment sa Barangay Tagnanan, sa bayan ng Mabini alas-9:30 ng umaga.

Naganap ang pagsalakay sa araw ng pagbisita ni AFP chief of staff General Eduardo Oban Jr. sa headquarters ng 10th Infantry Division sa Mawab. Compostela Valley.

Kinilala ang mga namatay na sina Sergeant Danilo Baniued; Ricardo Diaz at Raul Consulta, kapwa miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit; at ang asawa ni Consulta na si Cecilia.

Sugatan naman sina Burtogo Consulta at CAFGU member na si Tirzo Diaz.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply