Art exhibit sa CCP binatikos ni Cardinal Rosales

BINATIKOS ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang umano’y bastos na art work na naka-display sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Ayon kay Rosales, inabuso ni Mideo Cruz ang kanyang freedom of expression nang lapastanganin niya sina Birheng Maria at Hesus sa kanyang art exhibit.

Aniya pa, malaking kabastusan at insulto ang art exhibit ni Cruz.

Dagdag pa ng Cardinal, hindi umano ito gawain ng matinong tao.

Nanindigan naman si Tagbilaran Bishop Leonardo Pedroso, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Episcopal Commission and Cannon Law, na dapat sampahan ng kaso ang pamunuan ng CCP at si Cruz kung ipagpapatuloy ang exhibit.

Maging ang dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos ay nagpahayag din ng pagkadismaya sa CCP, na aniya’y naging tahanan na ng mga bastos na mga artworks.

Ginawa ni Marcos ang pahayag sa harap ng inaaning batikos ng CCP at ni Cruz.

Ayon sa dating Unang Ginang, noong isang linggo pa umano ay tinatawagan na nito ang mga opisyal na CCP para ireklamo ang isang obra ng sining na aniya’y paglapastangan sa Kristiyanismo.

Iginiit pa nito na ang CCP ay naitayo sa ilalim ng administrasyon ng kaniyang asawa na si dating President Ferdinand Marcos, bilang simbolo ng kagandahan ng kulturang Pilipino. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply