Art ni KSP Mideo Cruz at PNoy mag-ingat sa MILF

BIGYAN naman po natin ang mga mambabasa ng pagkakataon na mailahad nila ang kanilang mga karanasan, kaisipan at damdamin. Wala po tayong kinikilingan at pinaiiral po natin ang pagkakapantay-pantay ng ating readers.

MAG-INGAT SA MILF

Idol, sana huwag maniwala si PNoy sa MILF dahil kung pinagbigyan sila, hihingi naman ang ibang grupo tulad ng MNLF, NPA at iba pa. Kaya itong si Marvic Leonen, dapat dito siya tumira sa Mindanao para malaman niya. Buwisit ka, Leonen! Supot ka! 39397

ART NI KSP CRUZ

Ang ginawang paglapastangan ng visual art daw ni KSP Mideo Cruz ang dapat aksyunan ng mga obispong Katoliko, di ang pampulitikang usapin. Kung sa aming mga Muslim niya ginawa ang kademonyohan niya, di ko alam kung saan siya pupulutin. Dapat sa Mandaluyong siya nag-exhibit ng obrang KSP at ipakita rin sa mga anak niya ang tinatawag niyang “art.” Nasaan na ang mga obispo? Doon nakikisakay sa pamumulitika, mga santong kabayo! More power, sir. 918527

AGENCY SARADO NA NAG-OOPERATE PA

Sarado na ang opisina ng Javier International Manpower Services Incorporated pero  nakikipagtransaksyon pa sa labas nang palihim. Ang daming hinihingi na laging may halaga. Ang kapal ng mukha.  ”PNP, SOCO, SWAT, Media, maawa kayo sa amin.” Itinakbo ng Javier International Manpower Services Incorporated ang perang downpayment ng mga aplikante, “milyon ang halaga. “PNP, DOLE, POEA, Media,” paki-aksyunan ang  ahensya.

SAGOT NG JAVIER

Gud am, kahit sarado tuloy ang Javier. Lahat kayong nagtitiwala, ituloy niyo yan dahil hindi ito lokohan. Sino ito?  Pag me time ka, makipagkita ka sa akin para mapapirma na kita ng application form for  visa. Hindi lahat ng walk-in ang nakaaalam nito. Yun lang nag-te-text sa akin. Lahat kayo kailangang makapirma na kasi mula noong June 30 nagpapapasok na kami ng mga form sa United States embassy. Kaya kung gusto mo, mag-text ka at magkita tayo. 09057321656

PROBLEMA SA AGENCY

Sir, magandang gabi po sa inyo. Ako po sana’y may idudulog sa inyo. Tungkol po sa hindi pagbibigay ng aming agency ng pera na dapat po ay sa amin. Dalawang taon na po naming inilalaban ang kasong ito sa Department of Labor. Pero wala pa rin pong nangyayari. Baka po matulungan ninyo kami. Ang pangalan po pala ng aming agency ay Star Special Watchman Detective Agency Inc, na nasa Project 4, Kalantyaw Street Quezon City. Sana’y matulungan niyo po kami. Lubos na gumagalang, S/G Gamil,  Alex. 949731

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply