Artist ng kontrobersyal na exhibit inisnab ang Senado

HINDI lumantad sa pagdinig ng Senado nitong Martes, Agosto 16, ang kontrobersyal na artist na si Mideo Cruz kaugnay sa Art Exhibit nito sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Dismayado si Senate Pro-tempore Jinggoy Estrada sa hindi pagdalo ni Cruz dahil nais nitong malaman kung bakit nilapastangan niya ang imahe ni Hesus Kristo.

Dahil dito, kinuwestiyon ni Estrada ang Secretary ng Senate Committee on Education na si Berdadine Mahinay kung natanggap ba ni Cruz ang imbitasyon.

Ayon kay Mahinay, natanggap naman ni Cruz ang naturang imbitasyon subalit hindi ito nagpadala ng anumang sulat kung hindi dadalo o hindi sa pagdinig.

Dahilan ito upang hilingin ni Estrada kay Senador Edgardo Angara, Chairman ng komite na ipa-subpoena si Cruz upang mapadalo ito sa susunod na pagdinig ng Senado at upang mapakinggan ang panig nito sa kontrobersyal niyang obra.

Agad naman sinang-ayunan ni Angara ang kahilingan ni Estrada.

Dumalo naman sa pagdinig ang chairman ng CCP na si Emily Abrera,  presidente ng CCP na si Raul Sunico at ang mga trustee nito.

Sa kampo naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay dumalo sina CBCP Vice President  Most Rev. Jose Palma ( Archbishop of Cebu) at Assistant Secretary General  Msgr. Joselito Asis. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply