Asawa ni Del Rosario naghain ng ‘Habeas Corpus’ sa CA

NAGHAIN ng Petition for Habeas Corpus sa Court of Appeals ang asawa ni Rowena Del Rosario, dating bookeeper ng LTA Incorporated na ipinaaresto ng Senado.

Ang Habeas Corpus ay isang salitang nangunguhulugang utos ng hukuman sa ikinauukulan na dalhin sa korte ang isang tao upang ipaliwanag kung bakit ipinipiit ang isang tao.

Na-cite for contempt si Del Rosario makaraang hindi makuntento ang mga senador sa naging sagot nito kaugnay ng iniimbestigahang chopper anomaly.

Hindi kumbinsido ang mga senador sa pahayag ni Del Rosario na si Rep. Iggy Arroyo at hindi si dating First Gentleman Mike Arroyo ang nag-utos na bayaran ang umanoy pagrenta sa mga chopper na sa bandang huli ay naibenta sa PNP.

Iginiit ng asawa ni Del Rosario na palayain na ang kanyang maybahay dahil ilegal ang pagdetina rito.

Ayon kay Senador Koko Pimentel, magsilbing babala umano ang sinapit ng dating book keeper ng mga Arroyo na nagtatago umano ng katotohanan matapos ipakulong ng mga senador dahil sa paniniwalang pinagtatakpan ang mga dating amo.

Sinabi ni Pimentel na hindi makatuwiran ang pagtatago ng katotohanan kapalit ng loyalty na wala sa lugar.

Ayon kay blue ribbon committee chairman Sen. Teofisto Guingona III, makalalabas lamang ng kulungan si Del Rosario kung sasabihin nito ang katotohanan kaugnay ng iskandalo na bumabalot sa pagbili ng Pambansang Pulisya ng dalawang lumang helicopters na sinasabing pag-aari ng pamilya Arroyo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply