Asian stock markets bagsak

MARAMING stock market ang sumadsad partikular na sa Asia bunsod ng epekto ng pagbagsak ng global stocks ngayong Agosto 9.

Sa pagbubukas ng kalakalan umaga ng Agosto 10, sadsad kaagad ang Australian benchmark na S&P/ASX-200 index at NZX 50 index ng New Zealand.

Nabatid na bumulusok din ng 4.3 percent ang Australian stocks habang 3.2 percent naman sa NZX 50 index.

Samantala, apektado rin ang stock market ng Asya at Europe sa economic crisis sa Amerika kung saan sa Japan, ang benchmark Nikkei-225 index ng Tokyo Stock Exchange ay sumadsad ng 4.07 percent o 370.58 points, hanggang 8,726.98 na nagpadagdag sa 2.18 percent na pagkalugi kahapon.

Habang nanamlay din ang South Korean shares nang hanggang five percent kung saan ang benchmark Kospi index ay umabot sa 1,775.78.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply