Ate Guy excited sa first shooting day ng ‘El Presidente’

PORMAL ng humarap sa entertainment press si Nora Aunor kaugnay sa inihandang press-con ng mga producer ng pelikulang “El Presidente” with ER Ejercito last Aug. 6 sa Club Filipino sa San Juan. Bago pa man sumalang sa interbyu ng mga movie press si Ate Guy ay pinagkaguluhan pa muna ito nang mag-ikot sa mesa ng mga kaibigan nya sa panulat. Halos walang mapagsidlan sa sobrang kasiyahan ang nag-iisang Superstar sa maiinit na pagtanggap sa kanya ng mga kasamahan sa panulat.

Last Monday, Aug. 8 2011, first shooting day na ni Mama Guy at ang wedding scene kaagad ang unang kinunan ni Direk Tikoy Aguiluz sa nasambit na pagharap sa camera ng aktres.

Sa kabuuan, naging komportable naman at nagkaroon kaagad ng rapport sina Direk Tikoy at Ate Guy sa unang araw ng shooting nila ng El Presidente na ginawa sa Kawit, Cavite.

Sa pagharap ni Ate Guy sa movie press, ipinangako nito na talagang magbabago na siya sabay tapik kay Direk Tikoy na hinding-hindi niya ito bibigyan ng problema sa set ng naturang pelikula. Tatlo hanggang limang buwan lamang daw maglalagi rito sa Pinas si Nora Aunor dahil kinakailangan niyang bumalik sa Tate para sa operation naman ng kanyang lalamunan. Bukod kina Carla Abellana, nagpaunlak din yata si Robin Padilla na gaganap na Andres Bonifacio sa nabanggit na pelikula at pinagbibidahan nga ni Gov. ER Ejercito bilang Gen. Emilio Aguinaldo.

Kaya sa mga masugid na fans ni Mama Guy dito na ninyo dapat patunayan ang inyong suporta at puwersa sa inyong idolo.

***

Miyembro  ng XLR8 dating macho dancer ng White Bird

NGAYONG Biyernes ng gabi, Aug. 12, 2011 na ang pinaka-big event na magaganap sa White Bird entertainment bar riyan sa may Baclaran. May kaugnayan ito sa kaarawan ng mismong may ari ng White Bird na si Mr. Willie Pingol. Bukod sa pagrampa ng mga models at mga macho dancer na walang saplot, magsusuot rin ang karamihan sa taga-White Bird ng kulay pula na kung saan ay code red ang motiff ng naturang gabi. Inaanyayahan din ni Boss Willie ang kanilang mga parukyano na magsuot na rin ng kulay pulang damit. Ang kontrobersyal at producer ng mga bikini open na si Tito Mon Leones ang siyang magde-decorate ng stage bilang regalo nito (Mon Leones) sa bday celebrant na si Boss Willie.

Teka lang, darating kaya ang isang guwapong bagets na miyembro ngayon ng XLR8 para batiin sa kanyang kaarawan si Boss? Dati kasing sumasayaw bilang macho dancer ang nasambit na bagets ng XLR8 at para sa mga detalye tawagan lamang or i-text si Mama Gretta Locca sa kanyang cel nos. 0921-7405735 / 0949 7003048. Epek na ba to, Sir Jordan at Sir Joven?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply