Ateneo bagsak sa Air Force

PINALAGAPAK ng Air Force Spikers ang Ateneo Lady Eagles sa Shakey’s V Leaque Season 8 Open Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan city nitong Linggo.

Isang personal conference ay na-25 puntos ang inirehistro ni Cherry Macatangay sa kanyang 22 kills output at 3 service aces na dinagdagan ni Aiza Maizo ng 20 puntos na naghatid ng unang panalo sa koponan ng Air Force.

Natigil ng Air Force ang pagpasok ng Ateneo Volleybelles sa quarter finals sa iskor na 25-21, 26-24, 21-25, 31-29 sa maigting na paluan.

Nauwi sa wala ang career game ng Ateneo star na si Fillet Cainglet na naghasik ng 26 puntos.

Pinaluhod naman ng San Sebastian College Lady Stags ang Perpetual Help Altas sa loob ng diretsong 3 sets, 25-18, 25-17, 25-13 sa pinakitang galing ng mga import na sina Jeng Bua Lee at Lauren Ford.

Nanatili sa tuktok ng 17 standings ang Philippine Army tangan ang malinis na dalawang panalo na sinusundan ng Lady Stags (2-1) at ng 2-2 record na tangan ng Lady Eagles.

Maghaharap sa Martes nang makapananghali ang Air Force Spikers at ang wala pang panalong Perpetual Help Altas at ang nasa segundo puwestong Lady Stags at Ateneo Lady Eagles.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply