Ateneo Blue Eagles, 7-0

NILIPAD ng three-time defending champion Ateneo Blue Eagles ang ikapitong panalo laban sa Far Eastern U Tamaraws, 69-49 upang itarak ang first round sweep sa season 74 UAAP men’s basketball tournament sa Big Dome Linggo ng hapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Dikitan lamang ang labanan matapos ang first half, 30-26 pabor sa Ateneo subalit nabigyan ng four freethrows ang Blue Eagles matapos ang technical foul ng Tamaraws sanhi upang mawala ang kanilang diskarte sa fourth canto.

“They (Tamaraws) lost their composure,” wika ni Ateneo coach Norman Black.

Siyam na puntos lamang ang naibuslo ng FEU na nawala ang konsentrasyon sa laro sa third quarter kung kaya’t sinamantala ito Blue Eagles at tuluyang umalagwa sa fourth quarter.

Dahil sa panalo ng Ateneo ay tangan nila ang 7-0 win-loss slate at nailista rin nila ang ikatlong first round sweep mula ng ipatupad ang Final Four format noong 1994.

Nilipad ni Kiefer Ravena ang 19 puntos at nine rebounds habang ang kapwa rookie na si 7-footer Greg Slaughter ay may 15 markers at 11 boards para sa Blue Eagles.

Sina Ateneo cagers Nico Salva at Kirk Long ay nagdagdag ng 10 at siyam na puntos ayon sa pagkakasunod.

Nakasoga ngayon ang Tamaraws sa pangatlong puwesto ng team standings na may 4-3 panalo-talo.

Samantala, natapos din ang losing streak ng University of Sto. Tomas Tigers nang sagpangin nila ang University of the Philippines Fighting Maroons, 68-49, para sa 3-3 baraha.

Kapareho ng UST ang La Salle Green Archers sa team standings habang ang UP ay may 2-4 baraha.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply