Attention: QCPD Director Gen. George Regis (2)

ATTENTION QCPD Director, General George Regis, oras na siguro para pagtuunan mo ng pansin ang iyong mga kapulisan at huwag iasa sa mga malatuba ring opisyal na naturingang nag-i-inspection kuno pero tao lang nito ang pinabababa ng sasakyan lalo na kapag umuulan.

Sa nakarating na impormasyon sa Lily’s Files ay napag-alamang ang QCPD ay mayroong 2,766 na pulis as of August 1, 2011 at mayroong 104 na bilang ng mga On the Job Training o OJT.

Tanong ko lang po, QCPD Dir. Gen. George Regis, nag du-duty ba  ang 2,766 ninyong pulis at 104 na OJT dahil sa nakarating na impormasyon sa akin ay sinasabing talamak ang 15-30 diyan sa QCPD.

Matagal ng kalakaran sa PNP ang pagkakaroon ng 15-30 dahil na rin sa mga buwayang mga hepe ng kapulisan at ang QCPD ay isa na rito, napakaraming 15-30 na pulis dito Gen. Regis, baka gusto ninyong tingnan ang mga record.

Aba, Gen. Regis Sir, huwag kayong tutulog-tulog sa pansitan at huwag kayong masyadong magtiwala at umasa sa iyong mga opisyal na natutulog din sa pansitan dahil baka mabulaga na naman kayo ng malalaking krimen sa kyusi.

Napakagaling na opisyal nitong si Gen. Regis at napakagaling humawak ng tao kung kaya inaabuso ng kanyang mga kapulisan.

Gen. Regis Sir, iba noon at iba ngayon, District Director na kayo.

Siguro naman ay dapat na ninyong ipakita ang magaling na pamumuno, alisin nyo na ang 15-30.

Kastiguhin mo na at kalusin ang mga abusado, arogante, maangas at malatubang mag-duty na mga pulis, maging bagito o matatanda nang pulis ang mga hinayupak na ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply