Attention: QCPD director Gen. George Regis

HINDI lang pala abusado, arogante at maaangas ang mga bagitong pulis ng Quezon City Police District kundi mga malatuba rin pagdating sa pagdu-duty.

Kahapon ng umaga, sa isang karinderya ay dinig na dinig ng inyong lingkod  ang mga bagitong pulis na pinag-uusapan ang kanilang gagawing pagdu-duty sa Admin holding ng QCPD sa Kampo Karingal.

Pinag-usapan ng mga  malatubang pulis na kailangang mayroong isang pipirma ng kanilang mga attendance at pagkatapos ay isa-isang iti-text ang mga kasamahan at doon na lang magkikita sa lugar kung saan sila naka-assign.

Pagdating daw sa lugar na kanilang pagdu-dutihan ay puwede na silang sumibat paisa-isa at hindi na raw ito mapapansin dahil nakita na sila ng  nag-iikot na opisyal.

Kaya naman pala in demand ngayon ang pagiging pulis dahil sa ganitong kalakaran na bukod nga naman sa malaki ang suweldo ay pa easy easy lang ang  trabaho.

Mahigit 20 taon na ako sa pagiging reporter at nakasama ko na  ang mga matataas na opisyal mula  sa Heneral hanggang sa POI, ngunit ngayon lang ako naka-encounter ng mga ganitong klaseng pulis.

Makikita mo lang ang mga pulis na ito sa pagitan ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at pagkatapos nito ay mangilan-ngilan na lang ang makikita mong mga naka-unipormeng pulis sa kalye.

Kawawa  naman  talaga ang QCPD,  sa dinami-rami ng mga bagong recruit  ay  dito pa napunta ang mga abusado, arogante, maangas at mga malatubang mag-duty na pulis.

Kaya hindi ako magtataka kung bakit sunod-sunod ang mga krimen na nagaganap sa Quezon City  dahil sa mga ganitong klase ng mga pulis.

Binabati ng Lily’s Files ng belated happy birthday si P/Supt. Marcelino Pedrozo, hepe ng  Novaliches Police Station 4 ng QCPD,  na nag-celebrate ng kanyang  ika-48 na kaarawan noong Lunes. Happy Birthday, Col. Pedrozo!!! (Itutuloy)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply