Koko Pimentel itinalagang senador

PORMAL nang itinalaga kanina (Huwebes, Agosto 11) ng Senate Electoral Tribunal (SET) sa Sofitel Hotel sa Pasay City si Atty. Aquilino “Koko” Pimentel III bilang ika-12 senador ng bansa.

Nagdesisyon ang SET na paupuin na sa wakas si sa Senado bilang nanalong kandidato sa 2007 senatorial elections matapos i-withdraw ni Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri ang kanyang counter-protest matapos itong magbitiw bilang mambabatas.

“It took time not because of my protest but because of the extensive counter-protest,” sabi ni PImentel. “Kaya when it was withdrawn, the SET was able to immediately come up with a decision.”

Sa desisyong ipinalabas ng SET ay lumabas sa final votes na lamang si Pimentel (10,898,786) kay Zubiri (10,640,620) ng 258,166 boto.

Ito ay taliwas sa naging resulta noong 2007, kung saan ay lamang si Zubiri ng mahigit 18,000 lamang.

Sina Sen. Kiko Pangilinan at Sen. Pia Cayetano ang nagtaas ng kamay ni Pimentel nang pormal nang italaga ang huli bilang miyembro ng Senado.

Kasama ni Pimentel sa pagsalubong sa kanyang pagiging ganap na senador ay ang kanyang asawang si Jewel, amang si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel, Jr. at iba pang kamag-anak.

Nais ni Pimentel na maging bahagi ng Senate Blue Ribbon Committee, na siyang nag-iimbestiga sa umano’y dayaan noong 2004 presdiential elections, at mapabilang sa SET bilang miyembro upang makatulong sa pagpapalakas ng sistema at mga patakaran nito.

“Although people congratulate me for being the victor in this case, I would like also to congratulate the SET for this great achievement. Its very rare,” aniya.

Nakatakdang manumpa si Pimentel bukas sa Mati, Davao del Sur, kung saan nakakuha siya ng malaking boto kahit hindi umano siya nangampanya doon.

May nalalabi pang isang taon at sampung buwan sa puwesto si Pimentel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply