Atty. Persida Acosta tinalbugan si Amy Perez!

MAY public service show pala sa TV5 tuwing Huwebes ng hatinggabi ang chairman ng Public Attorneys Office na si Ms. Persida R. Acosta. “Public Atorni” ang titulo nito at estilong Face-to-Face (sa TV 5 din) ni Amy Pes ang format. Parang preliminary hearing sa fiscal’s office ang programa: Pinaghaharap ang dalawang partido na may iringan para i-asses ni Attorney Acosta kung may ground para magdemanda ang sino man sa kanila. Gayunpaman, pinapapili n’ya ang puwedeng magdemanda kung gusto nitong magdemanda o magpaareglo na lang.

Nung gabing iyon, ang dininig na kaso ay tungkol sa isang bata pa at magandang dalaga na pinagbibintangan ang isang boarder nilang binata na ilang beses na raw siyang binosohan sa banyo nila (na nasa labas ng bahay) sa paliligo n’ya. Nung una ay tumanggi ang guwapong binata sa bintang sa kanya, pero sa pagtatanung-tanong sa kanya ni Atty. Acosta ay nadulas siyang umamin indirectly. Una muna ay umamin ang binata na crush n’ya yung dalaga pero di n’ya maligawan dahil halos lagi raw siyang pinagsusupladahan nito. Tinanong siya ni Atty. Acosta: “Sakaling maging girlfriend mo siya, bobosohan mo ba siya?”

Mabilis na sagot ng binata:  “Hindi na po!”

Mabilis na reaction ni Atty. Acosta: “Huli ka! Sabi mo ‘Hindi na.’ Ibig sabihin, binobosohan mo talaga siya!”

Umamin na rin ang binata na dalawa o tatlong beses na n’yang binosohan ang dalaga. Deretsahang sinabi ni Atty. Acosta na pwede siyang kasuhan at pwedeng mahatulan ng pagkabilanggo ng isang buwan at pagbayarin pa ng danyos.

Ang hiniling ng dalaga na areglo ay umalis na sa bahay nila ang binata. Nangako naman ang binata na pag-uwing pag-uwi nila sa araw na yon ay magbabalot na siya at aalis. Nag-react naman ang dalaga na pag di umalis ang binata sa araw na iyon ay ididemanda na siya nito.

Nilinaw din nga pala ni Atty. Acosta na kahit na ang asawa o girlfriend ay di pwedeng tingnan ni mister o ng boyfriend ang maseselang bahagi ng katawan kung walang permisyon si misis o ang girlfriend. (Hindi na binanggit ni Atty. Acosta, pero alam din naming hindi pwedeng daanin ni mister sa dahas si misis para makipagtalik sa kanya. Ang mga misis na pinupuwersa ng mister nila na makipagtalik ay pwedeng idemanda ng marital rape ang mister nila).

Mukhang marami talagang matututunan sa Public Atorni!

***

NAKAKATUWA naman ang MU Live nung Biyernes ng madaling araw. Nai-guest nila yung child prodigy sa violin na si Julian Duque. Sa mga mahilig sa Cinemalaya indie films, si Julian yung bata sa pelikulang Boses ilang taon na ang nakararaan. Ginampanan n’ya ru’n ang isang batang pinagmalupitan ng ama at dahil sa takot at trauma ay tumigil sa pagsasalita. Ipinadala siya sa isang camp para sa mga batang biktima ng karahasan na nataong nasa lupain ng isang magaling na violinist.

Nang ma-realize nung violinist  na di nagsasalita ang bata, nagpasya siyang turuan ito na magbiyolin, at nadiskubre n’yang mistulang natural violinist ang bata. Ang world-class violinist na si Alfonso “Coke” Bolipata ang gumanap na violinist teacher. At estudyante rin n’ya sa tunay na buhay si Julian na 8 o 9 year old pa lang nung ginawa nila ang pelikula.

Pero ang kamangha-mangha kay Julian sa pelikulang iyon ay hindi lang ang husay n’yang magbiyolin kundi pati na ang husay n’yang umarte.

At dahil nga ru’n ay nana- lo siya ng ilang awards, at isa ru’n ay ang Breakthrough Performance for an Actor mula sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (na kinabibilangan namin). Actually, pati ang pelikula ay nanalo rin ng ilang awards, at kung di kami nagkakamali ay pati na ang direktor nito na si Ellen Ongkeko-Marfil.

Nang interbyuhin si Julian sa MU Live ng hosts na sina Gee Canlas at Martin Concio, kasama ang indie actress na si Cai Cortez bilang guest host, napag-alaman namin na 11 years old na pala siya, at nakatakda siyang mag-aral ng violin sa napaka-presti- gious na Juliard School of  Music sa New York. Napag-alaman din naming nagpe-perform na rin siya sa ibang bansa.

Classical pieces ang mga tinutugtog ni Julian at dalawang beses siyang tumugtog sa MU Live. Oo nga pala, parang di pa bumabalik si Yeng Constantino sa show. Wala pa rin siya nung madaling araw na yon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply