Automated finger print identification system ipinagkaloob sa PNP

NAKATANGGAP ng donasyon ang Philippine National Police (PNP) ng isang automated fingerprint identification system (AFIS) na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso (P500,ooo) mula sa Japanese government.

Ito ang inihayag ngayon (Lunes, Agosto 25) ni PNP Directorate of Investigation and Detective Management (DIDM) Director Arturo Cacdac, Jr., dahil ang bagong AFIS ay makatutulong sa pagpapabilis sa trabaho ng kapulisan sa pagkilala sa may-ari ng fingerprints na nakalap sa lugar ng krimen.

Ang bagong AFIS ay isasama sa kasalukuyang integrated ballistic identification system (IBIS) sa PNP, na tumitingin sa “fingerprints” ng gamit na basyo ng bala.

Malaki ang maitutulong ng IBIS para ma-identify ng kapulisan ang klase ng arms na ginamit sa ikinasang imbestigasyon. Maikukumpara nito ang cross-reference evidences na nakapaloob sa kanilang database.

Ginagamit ang AFIS sa mga maunlad na bansa para sa imbestigasyon pero maaari ring itong gamitin sa civil purposes tulad ng eleksyon, driver licensing, at kahit na rehistrasyon sa iba pang specific services.

Ipinagmalaki rin ni Cacdac na ang PNP ay magkakaroon din ng DNA identification system, na ang resulta ay malalaman sa loob lamang ng tatlong araw. Ang mga nangyayari aniyang pagtaas ng antas sa kanilang manual systems ay malaki ang maitutulong para gumana ng maayos ang mga imbestigasyon ng PNP maging sa iba pang investigative agencies.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply