Awayan ng MILF: 16 patay, 12 sugatan

UMAKYAT na 16 ang patay habang 12 ang sugatan at tinatayang 482 pamilya ang nagsilikas sa nagpapatuloy na kalat-kalat na sagupaan ng dalawang paksyon ng Moro Islamic Liberation Front sa Maguindanao.

Nabatid na marami na ang nalalagas na buhay bunsod ng engkwentro sa pagitan nina Kumander Hadjmie ng 106th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front at Kumander Abunawas ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Samantala, base naman sa ulat ng pulisya, walo pa lang ang nasasawi sa naturang sagupaan.

Nabatid kay Datu Piang Municipal Mayor Datu Sammer Uy na awayan sa lupa ang pinang-ugatan sa kaguluhan kung saan karamihan sa mga nagsilikas ay pansamantalang nanunuluyan sa Municipal Gym at paaralan sa Barangay Poblacion.

Kaugnay nito, binuo na ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangundadatu ang Crisis Management Team na makikipag-usap sa magkaaway na grupo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply