Babarilin uli ng Lady Troopers ang Lady Eagles

SISIKAPIN ng Army Lady Troopers na makaulit sa Ateneo Lady Eagles na pinabagsak nila sa loob ng apat na set sa Shakey’s V-League Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Magkapantay sa pangunguna ng team standings ang Lady Troopers at ang San Sebastian College-Recoletos Lady Stags sa 1-0 komposisyon sa pagpasok ng quarterfinals habang ang Lady Eagles ay ngayon lang magsisimula ng kampanya habang ang Lady Sailors na tangan ang 1-1 win-loss slate ang makakaharap ng SSC Lady Stags.

Pangungunahan nina Michelle Carolino, Joanne Bunag, Mary Jean Balse at dating top tosser ng Far Eastern University Lady Tamaraws na si Rachel Ann Daquiz ang Troopers kontra kina Alyssa Valdez, Fille Cainglet, Angie Gervacio, Aerieal Patnongon at Gretchen Ho.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply