Back to square one ang TNT-Petron title series

NAGPANTAY sa 2-2 ang best-of-seven finals ng PBA Governors’ Cup sa pagitan ng Petron Blaze at Talk N’ Text ng lagutin ang signal ng Tropang Texters, 105-83, sa Game 4 sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng gabi.

Ang pagkatalo ng Tropang Texters ay kasunod ng pagpaparangal kay Jimmy Alapag bilang Most Valuable Player bukod sa pagkakabilang niya sa Mythical Five na kasama sina Arwind Santos ng Boosters, Mark Caguioa ng Barangay Ginebra, Kelly Williams at Sonny Toss.

Ang Sportmanship award ay nasungkit din ni Thoss habang ang Rookie of the Year ay handsdown choice kay Rabeh Al Hussaini at ang Most Improved Player honor ay nakuha ni Jason Castro na nakabilang din sa second mythical team na binubuo ng ka-teammate na si Ali Peek, James Yap,  Joe De Vance at Jay Washington.

Ang all-defensive team ay kinabibilang nila Arwind Santos, Marc Pingris ng BMeg, Ryan Reyes ng TNT at dalawang Wilson ng Barangay Ginebra na sina Willy at John.

Ang best-of-three na ikalimang engkwentro ng finals ay gaganapin sa Miyerkules sa Smart-Araneta Colisuem alas-7:00 ng gabi na magiging pisikal na tatampukan nina Arwind Santos at Danny Ildefonso ng Boosters kontra kina Jason Castro at Ryan Reyes ng Texters.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply