Backhoe sinunog ng ‘NPA’

HINIHINALANG ang New People’s Army ang responsible sa pagkasunog sa isang backhoe na pagmamay-ari ng isang construction firm sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Ayon sa panayam sa radio kay SPO4 Elmar Tumaning ng PNP Baggao, biniberipika pa nila ang impormasyon na umano’y grupo ng NPA ang sumunog sa backhoe na pagmamay-ari ni Abraham Collado ng Brgy. Pallagao, Baggao noong Agosto 25.

Maaaring hindi umano nagbigay ng revolutionary tax na hinihingi ng mga rebelde si Collado na siyang general contractor ng irrigation project na ginagawa sa nasabing lugar kung kaya’t pinagdiskitahan ang kanyang kagamitan.

Inaalam pa ng pulisya kung magkano ang halaga ng sinunog na backhoe.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply