Badyet ng bise presidente nakalusot ng walang hirap

LUSOT na sa House Committee on Appropriations ang badyet ng tanggapan ni Vice President Jejomar Binay para sa 2012.

Hindi pa halos naipiprisinta ni Binay ang P401.7 milyon na panukalang badyet ng kaniyang tanggapan ay agad na itong pinalusot ng mga kongresista.

Nagmosyon si Leyte Rep. Sergio Apostol na aprubahan ang badyet ng Office of the Vice President dahil na rin sa mga naunang tradisyon sa Kamara.

Ang alokasyon ng OVP para sa susunod na taon ay malaki ang itinaas kumpara sa P185.107 milyon ngayong taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply