Bagatsing racing festival tumabo ng P29.5M

TODO suporta ng mga mananaya kaya umabot sa P29.5 milyon ang gross sales ng karera nitong Biyernes ng gabi, Agosto 19, sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Malaking tulong ang racing festival na hinandog ng pamilyang Bagatsing sa mga mananaya kaya nalampasan ang record sales na P27 milyon sa isang araw na karera.

“Hindi ko naman ine-expect na ma break pero dahil sa tulong ng mga racing aficionados eh naabutan natin ‘yung target sales natin,” masayang sabi ni Rep. Amado Bagatsing na ang hangad ay ipagpatuloy ang passion ng kanyang amang si former Manila Mayor Ramon D. Bagatsing na makatulong sa mga mahihirap.

Dagsaan ang mga karerista sa off-track betting stations upang mapanood ang labanan sa 3rd Mayor Ramon Bagatsing Memorial Cup kung saan ay nanalo si Tensile Strength na pag-aari ni Jun Sevilla.

Sa largahan ay sinundan agad ni 3rd Leg Triple crown ruler Tensile Strength ang bumanderang si Arvindugo habang nakamasid sina 1st at 2nd leg TC kings Hari Ng Yambo at Magna Carta sa pangatlo at pang-apat na puwesto ayon sa pagkakasunod.

Pagpasok ng far turn ay umuusad upang kunin ang bandera ni Tensile Strength sakay si star jockey Jeffrill Tagulao Zarate habang sina Hari Ng Yambo at Magna Carta ay nagkukumahog na makahabol.

Tinawid ni Tensile Strength ang meta ng may apat na kabayo ang agwat sa nasegundong si Magna Carta upang ibulsa ang P420,000 top purse.

Naiuwi ni Magna Carta ang P157,500 para sa second place finish nito habang P87,500 at P35,000 ang nakopo nina Arvindugo at Lord Of War para sa third at fourth placer ayon sa pagkakasunod.

Naorasan si Tensile Strength ng 2:00 sa 1,900 meter race sa event na inisponsoran ng Herma Farms at Resorts World. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply