Bagets ginahasa rin: Magsyota hinoldap, inutas

HINDI pa nasiyasahan sa kanilang nakulimbat at halinhinan pang ginahasa ng tatlong holdaper ang trese-anyos na dalagita bago pinaslang kasama ng kanyang nobyo sa Leyte, sa ulat ng pulisya nitong Lunes.

Base sa report na ipinarating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa baybayin ng Barangay San Rafael, Dulag, nabangit na lalawigan.

Ayon sa imbestigasyon ng Dulag Municipal Station, namamasyal ang dalawang biktima na sina Cayetano James Bauy, 17, ng V&G subdivision, Tacloban City at girlfriend nito na si Cathleen Rose Gamba, 13, ng Brgy. Luwan Dulag, Leyte nang biglang sumulpot ang mga suspek na kinilalang sina Rogelio Ontog Jr., Remwie Ontog at  Kestyr Ducanes.

Lumalabas sa report na pinagsalikupan ng mga suspek ang dalawang biktima at agad na nagdeklara ng holdap

Subalit makaraang makuha ang pera at cellphone ng mga biktima  ay sapilitang kinaladkad sa madilim na area malayo sa tabing dagat ang dalagita kung saan siya pinagsamantalahan habang ginilitan sa leeg ang lalaki.

Nabatid na agad ding nadakip ng mga tauhan ng Dulag Municipal police ang  tatlong suspek makaraang makarating sa kanilang kaalaman ang pangyayari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply