Bagets sugatan, mga kabahayan winasak ng tornado sa Ilocos Sur

SUGATAN ang isang dalagita habang nasira ang ilang mga kabahayanmakaraang manalanta ang tornado bunsod pa rin ng bagyong Mina sa Brgy. Becques, Tagudin, Ilocos Sur.

Nabatid sa Office of Civil Defense (OCD) Regional Center-I, siyam na kabahayan ang matinding sinira ng tornado at ‘di pa rin mabatid kung ilan ang bahagyang nasira sa nasabing lugar.

Sugatan naman ang 16-anyos na si Kimberlee Apalla makaraang matamaan ng mga nagliliparang debris.

Kasalukuyan naming nagbibigay na ng tulong ang mga lokal na opisyal ng Tagudin at iba pang kawani ng pamahalaan sa mga naging biktima ng kalamidad ng ngayon ay nananatili sa evacuation center.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply