Bagong bihis na team at balik coach sa PBA season 37th

SA PAGPASOK ng PBA 37th season sa Oktubre isang bagong koponan ang papasok at isang nagbabalik na bench tactician ang magpapasigla sa professional league sa Smart Araneta Coliseum.

Ang Shopinas na nasa ilalim ng LGC group of companies ang makahahalili ng Barako Bulls na tuluyan ng pinagpahinga sa liga at ang dating assistant coach ng Pepsi, Tanduay, Swift, Sta. Lucia Realtos, Fedex, Purefoods at ng Governors’ Cup runner-up Talk N’ Text na si Franz Pumaren. Siya rin ang nagpanalo ng maka-liamang beses sa La Salle grenn Archers mula 1998 hanggang 2001 at muling kinuha ang tropeo ng seniors’ basketball tournament noong 2007 sa kanyang huling pagsalang sa collegiate tournament.

Bukod sa karanasan ni Pumaren sa larangan ng sports naging tampok na konsehal din siya ng Quezon City na kung saan isa siya sa naging paborito ng mga mamamahayag ng Quezon City Press Association (QCPA) sa katangian niyang pagiging malapitin at isang masipag na mambabatas na may ilan ding panukalang batas na naipasa sa konseho.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply