Bagong laya niratrat sa ulo, dedo

PATAY ang isang bagong laya makaraang pagbabarilin habang nag-aantay ng masasakyan kasama ang kanyang ina sa Barangay Commonwealth, Quezon City kaninang madaling araw (Biyernes, Agosto 26).

Kinilala ni Supt. Ronnie Montejo, hepe ng Quezon City Police District station 6 Batasan, ang biktima na si Christopher Magtalas, 36, binata, tricycle driver at residente ng 1268 Denalupihan St., Tondo, Maynila.

Ang biktima ay binawian ng buhay sa pinangyarihan dahil sa tinamong maraming tama ng bala ng baril sa kanyang mukha at ulo.

Ayon sa ulat ng QCPD station 6 Batasan naganap ang insidente dakong 12:30 ng madaling araw sa harap ng Prime Funeral Homes sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, kanto ng Pacamara St., Brgy. Commonwealth, Q.C.

Sa ulat, nag-aantay ng masasakyan ang biktima kasama ang ina nitong si Cristy sa harap ng naturang punenarya nang biglang sumulpot ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na tinatayang nasa 35 hanggang 40 anyos, may taas na 5’6 hanggang 5’8, nakasuot ng puting T-shirt, short pants, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng bull cap.

Matapos ang pamamaslang tumakas ang mga salarin na parang walang ano mang nangyari at naglakad lamang palayo sa naturang lugar.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga pulis para matukoy ang mga may kagagawan ng naturang pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply