Bagong opisyal ng Federated PTAs sa Tacloban inihalal: pondo ng SEF bubusisiin

NANGAKO ang mga bagong halal na opisyal ng Federated PTAs ng Tacloban City sa pamumuno ng kanilang bagong presidenteng si Omar Velasco na bubusisihin nila ang paggastos ng Special Education Fund (SEF) ng naturang lungsod.

Ayon kay Velasco, handa na ang kanilang organisasyon na magiging mapagmatyag sa pagpapatupad at tamang paggastos ng SEF kung saan ay umaabot na ito ng milyong-milyong piso kada taonna inilalaan sa pagsasaayos ng mga eskuwelahan at pagtataguyod ng kapakanan ng mga mag-aaral at mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Nabatid na uupong miyembro ang presidente ng Federated PTA sa City School Board kung saan kasalukuyang tinatalakay ang paraan ng paggastos sa pondo ng SEF.

“Rest assured that our organization through this representation, will be clearly heard during budget deliberations with regards to the allocation of the Special Education Fund. We will stand to our mission that said fund will be utilized properly for the benefit of our children, our beloved public school teachers and our public schools,” ayon kay Velasco.

Matatandaan naging mainit ang naging talakayan sa naturang pondo nitong mga nakaraang taon dahil may kumakalat na balita na hindi umano ito napupunta sa dapat pagkagastusan at ginagamit umano ito sa mga ibang mga proyekto na hindi naman pinapakinabangan ng mag-aaral.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply