Bagong panuntunan sa bibisita sa Malaysia inihayag ng DFA

PINAALALAHANAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino na bibisita sa bansang Malaysia tungkol sa bagong panuntunang pinatutupad partikular na ang biometric finger print registration para sa mga dayuhan.

Sa impormasyong pinalabas ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur, inoobliga ang lahat ng mga dayuhan na sumailalim sa National Enforcement and Registration System (NERS) ng Malaysia.

Sa ilalim ng NERS, ang lahat ng mga dayuhan o mga biyahero mula edad na 12 pataas ay kinakailangan dumaan sa mga tinatawag na designated checkpoints, at sasailalim sa  electronic fingerprint scanning machines sa immigration counters.

Ang biometric data ng mga dayuhan ay ire-record sa database ng immigration department ng Malaysia para sa mga gagawing beripikasyon at pagproseso sa paglabas ng mga Ito sa nasabing bansa.

Ang nasabing hakbang ng gobyerno ng Malaysia ay naging epektibo noon pang Hunyo 1 upang palakasin ang inamyendahang batas kaugnay ng pagpapasok ng mga dayuhan sa naturang bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply