Bagong testigo sa chopper scandal ihaharap ni Lacson bukas

MAY bagong witness na ilalabas bukas si Senator Panfilo Lacson sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa pagbili ng Philippine National Police sa pag-aaring chopper ni dating First Gentleman Mike Arroyo.

Gayunpaman, tumanggi muna si Lacson na magbigay ng detalye kung sino ang kanyang sorpresang testigo at kung ano ang ibubunyag nito.

Ang sabi ng senador, mainam na huwag na syang magbigay ng kahit anong clue dahil baka umatras pa ito at hindi na dumalo sa pagdinig bukas.

Alas-nwebe ng umaga gaganapin ang ikalimang pagdinig ng senado sa kontrobersyal na PNP choppers at imbitado pa rin ang mga opisyal ng lion air, PNP, MAPTRA, COA at DILG.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply