Bagyong Mina nakalabas na ng bansa

LUMABAS na ng bansa ang bagyong Mina matapos manalasa sa hilagang Luzon at nag-iwan ng pinsala sa mga pananim sa naturang lugar ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, kahit nakalabas na ng bansa ang bagyong Mina nakataas pa rin ang signal number 1 sa Batanes Group of Island.

Sinabi ng PAGASA na ang bagyong Mina ay namataan 10:00 ng umaga kanina sa layong 320 kilometro ng Hilaga Hilagangkanluran ng Basco, Batanes.

Si Mina ay may lakas ng hangin na 100 kilometro bawat oras malapit sa gitna nito hanggang 130 kilometro bawat oras.

Kumikilos si Mina sa direksyon  ng Hilagakanluran sa bilis na 9 kilometro bawat oras.

Ang tropical storm Mina ay inaasahang nasa 520 kilometro ng Hilaga Hilagangkanluran ng Basco, Batanes ngayong umaga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply