Bagyong Mina patuloy na lumalakas

PATULOY na lumalakas ang bagyong Mina habang mabagal na kumikilos papalapit sa Northern Luzon.

Huling namataan ng pagasa ang bagyong mina sa layong 170 kilometro Silangan ng Casiguran, Aurora. Taglay ng bagyong Mina ang pinakamalakas na hangin na 150 kilometro bawat oras malapit sa gitna na may pagbugsong aabot sa 185 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang bagyong mina pa-hilagang kanluran sa bilis na siyam na kilometro bawat oras.

Inaasahang bukas ng umaga, Agosto 27, ang bagyong Mina ay nasa layong 100 kilometro hilagang silangan ng Tuguegarao City at 40 kilometro timog, timog silangan ng Basco, Batanes sa Linggo ng umaga.

Nakataas ang signal number 3 ng bagyong Mina Sa Isabela, Cagayan at Northern Aurora habang umiiral ang signal 2 sa Batanes, Calayan At Babuyan Group, Apayao, Kalinga, Quirino at nalalabing bahagi ng
Aurora.

Samantala, signal number 1 ang bagyong Mina sa Ilocos Norte, Abra, Ilocos Sur, Mt. Province, Benguet, Ifugao, Nueva Viscaya at Nueva Ecija.

Pinapayuhan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residenteng nakatira sa mga mababa at bulunduking lugar kung saan nakataas ang public storm warning signal ng bagyong Mina na maging alerto sa posibleng flashflood at landslide.

Gayundin, pinaalalahan ng PAGASA ang mga nakatira sa coastal areas na maging alerto sa mga malalaking alon o storm surge.

Tinatayang aabot sa 15 hanggang 25 millimeters per hour ang dami ng ulang dala ng bagyong Mina at 600 kilometro ang diameter o lawak ng naturang bagyo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply