Baha, basura at mga lintek sa pagbaha

LIBO-LIBO katao ang ginagamit ng Metro Manila Development Authority para malinis nang todo ang mga ilog, sapa at iba pang mga daluyan ng tubig  sa Kalakyang Maynila.

Ang natatandaan natin, dalawang beses na umikot at kumilos ang mga taga-MMDA kamakailan, katulong ang mga lokal na pamahalaan, para matanggal ang mga plastik at iba pang mga basura na nagbabara sa mga ilog.

Dahil sa aksyon ng MMDA at katuwang nitong mga lokal na pamahalaan, sinasabing mas madali nang humupa ang mga baha.

Hindi maiiwasan ang mga pagbaha kung may bumubuhos na ulan, pero maganda na ring malaman na madaling humupa ang mga ito.

Wala nga lang tayong magagawa kung magsalubong ang high tide at baha mula sa ulan.

WALANG DISIPLINA

Kung tutuusin, nasasayang ang pagod ng mga taga-gobyerno sa paglilinis sa mga daluyan ng tubig dahil sa kawalan ng disiplina ng mamamayan.

Sa paglalakbay lang nating sa mga lansangan, anak ng pitong putakte, nabibigla tayo sa pagtatapon ng mga plastik galing sa mg fastfood ng mga tumatakbong sasakyan habang tumatakbo ang mga ito.

Kung bakit nagkakalat din ang marami ng mga basura kung saan-saan, eh, hindi natin gaanong maintindihan.

Siguro dahil sa puno lagi ang mga basurahan maging ang mga gawa ng mga taga-barangay.

May mga basurahan ding ikinakalat pero nawawala at ninanakaw umano ng mga lintek na magbabasura at magkikilo.

SINASADYA ANG MGA BAHA

Mayroon namang mga bahaing lugar na sadyang pinalalala ang kalagayan para kumita ang mga animal na gustong kumita rito.

May mga gumagabay sa mga sasakyan sa ilang lugar na roon ka makakanal at kung nakanal ka na, kailangan mo ang magtutulak na gustong kumita sa bawat tulak.

Dito rin lumilitaw ang mga kasabwat nilang mga street mechanic na  kung maningil sa mga nasisiraan ng makina, eh, lagpas langit.

Kulang lang na bunutin mo ang iyong baril sa inis para sila na lang ang makanal at hindi na makapamerhuwisyo pa.

Iba pa, mga Bro, ang mga nagsasara ng mga butas ng mga imburnal at drainage para kung bumaha ay dadaan ka sa kanilang tabla at hindi mabasa.

Mayroon ding mga nag-aantay na de padyak na kung maningil, eh, wala nang matitira pa na pamahasahe sa iyong pagsakay ng dyipni.

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply