Baho ng city hall umaalingasaw na

PUTOK na putok at bulgar na sa loob ng isang lokal na pamahalaang lungsod sa Metro Manila ang bahong itinatago ng pamilyadong City Treasurer at ng kanyang empleyada na mala reyna kung makaasta.

Itong Reyna  ngayon sa  Treasury Department ng City Hall  ay dating naging “kabit” umano ng isang Mayor  sa isang lungsod sa may parteng Kabisayaan at sinasabing  kaanak ni dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Nang mabulgar ng mga taga-media na nakatalaga sa Kabisayaan ang relasyon nitong si alyas  Reyna Elena sa nasabing Meyor  ay agad itong umalis at tumakbo sa Maynila at iniwan ang eskuwelahang kanyang pinagtuturuan.

Napadpad sa Metro Manila itong si  Reyna Elena at namasukan bilang contractual employee, hindi  nagtagal ay naging “kalaguyo” ito ng City Treasurer ng lungsod kung kaya  pinalad na mapadali ang promosyon bilang regular employee.

Hindi pa man nag-iinit ang puwet sa pagiging regular employee ay nakapagtatakang napakabilis ang pag-asenso dahil muli itong na-promote at naging Officer sa departamento nito, dahil na rin sa pakikipagrelasyon nito sa sinasabing  City Treasurer.

Totoo rin kaya  ang hinala ng  kapatid na babae ng  City Treasurer at ng ilang empleyado ng Treasury Department na ginayuma ng Reyna ang kanyang Hari?

Nagtatanong lang po.

Sa nakarating na impormasyon sa Lily’s Files, ang  kapatid na babae ng Treasurer ay dating nakatalaga sa hinahawakan nitong departamento, ngunit simula nang mabulgar at umalingasaw  ang relasyon ng Reyna at ni City Treasurer ay ipinatanggal ito ng babae at ipinalipat sa Accounting Department kaya galit na galit  dito ang kapatid na babae ng  ingat yaman ng lungsod.

Kamakailan ay dumating ang abogadong anak na lalaki ni City Treasurer, at mismong sa loob ng silid ng Reyna ay pinalabas ang mga empleyado at  masinsinan itong kinausap ng abogadong anak ng ingat-yaman ng lungsod at ang topic ng usapan ay ang  pakikipagrelasyon nito sa amang City Treasurer. (Itutuloy)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply