Bakit pabagsak ang Casino Filipino? Paglilinaw sa INC!

MAGALING ang pamunuan ni PAGCOR Chairman Bong Naguiat dahil kahit na naisahan ito ni Ben Lui sa ginawang pandaraya sa Casino Filipino ay hindi natinag ang operasyon ng Casino Filipino.

Nalansag ni Naguiat ang sindikato na nandaraya sa mga Casino pero ang masakit pinalusot palabas ng bansa ng kapulisan at ng immigration ang mga dayuhang salarin na bitbit ang ilang daang milyong piso.

MANAGER BALATO

Kaya bumabagsak ang operasyon ng Casino Filipino kumpara sa Resort World ay dahil sa mga “patay gutom” na gaming manager gaya nitong si Arturo Olanday.

Isang player ang naglaro sa Networld Hotel Casino na pag-aari din ng PAGCOR ang nakabawi sa pagkatalo noong naunang araw na naglaro ito.

Sa madaling salita nanalo ang player nang kasalukuyang si Olanday ang manager.

Buong kapal ng mukha na nanghingi ito ng balato sa player kahit hindi naman n’ya ito kilala.

BAWAL ANG BALATO SA RESORT WORLD

Sa Resort World Casino ay bawal magbigay o manghingi ng balato.

Di Gaya sa Casino Filipino na mismong manager pa ang manghihingi sa’yo.

HINDI AKO KASAMA

Isang text ang natanggap natin mula kay ret. col. Wally Sombero na nagsasabing hindi s’ya kaharap nung ipakilala sa atin si Sally Jimenez Rivera, kapatid ng murder suspect sa Orsolino, Melendrez at Barrameda case.

Ipinakilala sa atin ni Ka- Resty Lazaro si Sally para raw matulungan natin ang suspek na si Lope Jimenez.

Tama po kayo, Ka-Wally, hindi nga ho kayo kasama sa miting sa Mario’s Restaurant.

Tama ka rin, Ka-Wally, na si Rico Gonzales ang nag-set ng miting sa Mario’s Restaurant na ang mga napag-usapan ay wala ring nangyari, dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi makapag-aral ang mga anak ni Orsolino at Melendrez.

Kayo lang pala ang nagpakilala sa akin kay Ka-Resty Lazaro.

MAGHIHINTAY ANG ULTIMATUM

Maghihintay po ang ULTIMATUM sa isinasagawang imbestigasyon ng Iglesia ni Cristo sa pakikialam ni Resty Lazaro sa kasong murder ni Lope Jimenez na isa ring miyembro ng Iglesia ni Cristo.

MGA DOKTOR NI GMA BUSISIIN

Mario Ver at  Lopez dapat imbestigahan, dapat doktor ng Senado ang mag-check up kay GMA. Pinaglalaruan lang ang mga senador ng doktor nila. +63939397….

PUSHER SA IMUS, CAVITE

Sir, gud pm po. Sana po mahuli na ang maghipag na pusher. Mula sa Molino hanggang Imus ang sakop nila. Sila po sina alyas Anne at Hazel payat. +63908621….

PNOY VS CGMA

Gud am po. 1 year pa lang ho ang matuwid na pamamahala ng ating mahal na Pangulo ngunit nakabili na agad ng barkong pandigma upang protektahan ang ating mga isla. Asahan nating marami pa ang susunod. Hindi tulad ng nakaraang 9 na taon na may nagpasasa at nagpayaman. Ang dami pang nadamay at nagpasyang wakasan ang kanilang buhay  dahil sa hiya. Pero ang mga Arroyo, ang kakapal ng mukha talaga. Ronnie  ng San Pablo City. Thanks. +63920465….

CLEARANCE PASS SA ALABANG

Gud am po. Tanong ko lang po. Totoo ho bang kailangan ng clearance pass para makaraan ang mga 6 wheeler truck sa service road ng Ala-bang? Hinuhuli kasi kami at  naglalagay na lang kami para hindi matiketan. Salamat.  +63932112….

SAGOT NG ULTIMATUM

Pakikuha ho muna ang pangalan ng mga nanghuhuli at nanghihingi ng lagay r’yan sa service road ng Alabang para mabigyan natin ng karampatang aksyon.

Sa itinatanong n’yo naman na clearance pass ay iniimbestigahan na po natin ang pagiging ligal nito.

Abangan po ang resulta ng ating imbestigasyon.

KOLEKSIYON NI BACBAC

D’yan, Sir, sa BMJB tapat ng Globe, sa Martes at Biyernes ay maraming pumapasok na container van. Dumarating sa gabi at iligal po ang laman nun.

Noong May 2009, ni-raid kuno iyon. 5 po sila sa pangunguna ni Bacbac.

3 beses silang bumalik, nanghingi lang ng pera. Kung di ako nagkakamali, P280K ang nakuha nila.

Kasi, sabi ni Boss Hanz. “Magbayad na lang kaysa ipasara tayo.” +63910490….

HINDI UUNLAD ANG PINAS

Alam niyo, maraming problema rito sa Pilipinas. May naimbentong gamot laban sa dengue pero ayaw namang tanggapin o kilalanin ng DOH. Lahat napupulitika. Di talaga uunlad ang Pilipinas. Thanks +63920755…

LTFRB AT LOLO IWAY

Sina LTFRB Chairman. Laluces at Exec Director  Atienza lamang ang nagbitiw. Kapit tuko pa rin si Board  Member Manny Iway na overaged na po.

Matagal nang lampas sa compulsory retirement age si lolo.

Si Iway ay isang illegally overstaying, over aged at  natutulog na lamang tuwing may meeting dahil sa uugod-ugod at ulyanin na.

Ngunit ayaw pa rin niyang magretiro. Pakitanong nga po, sir, sa DOTC kung bakit si lolo Iway ay tila yata mayroong special treatment.  +6390537….

LASON SA SAPA SA TALAVERA

Gud pm po, Sir Benny, Pakikalampag po ang mayor ng Talavera, Nueva Ecija para hindi na lasunin ang sapa ng pinsan niyang si alyas Bitoy ng Esguerra hanggang Brgy. Marcos.

Nasa pagitan ng dalawang buwan po sila kung maglason ng sapa. Sayang po kasi yung maliliit na isda, salamat po. +63917976….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply