Bakuna vs dengue final testing na

KASABAY ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa, tuloy-tuloy naman ang pagsusuri ng Department of Health (DOH) sa bakuna na hinuhubog na panlaban sa naturang sakit.

Sa panayam kay Health Secretary Enrique Ona, nasa final testing na ang bakunang panlaban sa dengue.

Ayon pa sa kalihim, patuloy palang nilang pinag-aaralan sa Laguna at Cebu ang Dengue vaccines pero nakakatanggap na sila ng magagandang feedback para rito.

Samantala, nakakasa na ring ilunsad ng ahensya sa susunod na taon ang pagbibigay bakuna laban naman sa virus na nagdudulot ng diarrhea.

Anang kalihim, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na magbibigay ng bakuna laban sa rotavirus.

Kinumpirma din ni Ona na naglaan ng P800 milyon ang pamahalaan para pondohan ang proyekto.

Prayoridad ng gobyerno na bigyan ng bakuna ang mga mahihirap na pamilya partikular na ang mga batang nasa limang taon pataas na pangunahing tinatamaan ng virus.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply