Bakuna vs ‘rotavirus’ kasado na sa Setyembre– DOH

MAGBIBIGAY na ng libreng bakuna ang Deaprtment of Health (DOH) laban sa rotavirus sa Setyembre.

Nabatid kay Health Secretary Enrique Ona, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na magbibigay ng nasabing bakuna.

Ayon kay Ona, ang rotavirus ay isa sa pinakakaraniwang sanhi ng pagtatae (diarrhea) at malubhang impeksiyon (rotavirus gastroenteritis).

Pangunahing sanhi rin ito ng malubhang tuyot na pagtatae (dehydrating diarrhea) ng isang sanggol.

Ayon pa sa kalihim, may P800 milyon na silang pondo para sa nasabing bakuna at ang pangunahin nilang bibigyan ay ang mga mahihirap sa ating bansa.

Tiniyak ng kalihim na isusunod na rin ang bakuna laban sa dengue, kung saan patuloy pa rin ang pagtaas ng kasong naitatala sa bansa kabilang na ang mga namamatay.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply