Balasubas na project engineer, suweldo ng tao binibitin

NAG-AALMAHAN ang mga trabahador ng Embrocal Builders Inc. sa UP Campus dahil sa ginagawang pambibitin ng pamunuan ng kompanyang ito sa suweldo ng kanilang mga manggagawa.

Halos nanggagalaiti na sa galit ang mga tao  sa  pamunuan ng kanilang kompanya dahil sa ginagawang pambibitin sa kanilang suweldo.

Ayon sa mga manggagawa ng Embrocal Builders Inc., lagi na lang daw silang pinangangakuan ng kanilang Project Engineer   na si Edgardo Palma na ibibigay ang kanilang suweldo kung hindi Lunes ay Martes. Pero pagdating umano ng mga araw na kanilang inaasahan ay wala pa rin ang  suweldong kanilang inaasahan.

Aba’y ano ba ang akala ni Engr. Palma sa kanyang mga tauhan? Hindi na kumakain ang mga pamilya ng mga ito? Kaya okey lang na  bitinin niya ang mga suweldo na pinaghirapan ng mga ito?

Mantakin ninyo, binibitin na nga ng tarantadong Project Engr. na ito ang suweldo ng kanyang mga tauhan ay pinaghihintay pa niya ng matagal ang mga ito sa kanyang opisina.

Ang hinihingi lang ng mga trabahador ng Embrocal Builders Inc. ay ang kanilang pinagtrabahuhan dahil kailangan ito ng pamilya nila.

Maawa ka naman, Engr. Palma. Nagtitiyaga na nga lang ang mga tauhan ninyo sa‘bale-bale system’ na pasuweldo ninyong P100, P150,P250 at pinakamalaki na ang P1,000. Pero isang beses lang daw nangyari ang huli noong time na  wala nang pumasok na mga trabahador.

Ang masakit pa nito, pag kinukuha na ng mga trabahador ang kanilang mga suweldo ay hindi ibibigay ito hanggang hindi sila pumapasok sa kanilang pinagta-trabahuhan.

Aray ko po, Engr.Palma, anong klaseng amo ka?  ‘Yung perang ipinansusuweldo mo sa kanila ay pera na pinagpapaguran nila at hindi galing sa bulsa ninyo!!!!

Anomang reklamo o puna, itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply