Ballot switching hihimayin ng Kamara sa Lunes

SISIMULAN na sa Lunes ng binuong ADHOC Committee ng Kamara de Representantes ang imbestigasyon ukol sa diumano’y security breach sa Batasan Complex na nagresulta upang mapalitan umano ang mga balotang nakatambak sa South Wing Lobby noong 2005.

Nilinaw ni House Speaker Feliciano Belmonte na bagama’t limitado ang panahon at hurisdiksyon ng komite ay may kapangyarihan naman itong mag-subpoena sa mga personalidad na dapat matanong ukol sa seguridad ng Batasan.

Una na rito, sinasabing maaaring ipatawag ng komite ay sina dating House Speaker Jose de Venecia Jr. at dating House Sergeant-at-Arms General Bayani Fabic ngunit ito ay namayapa dahil sa pneumonia at iba pang kumplikasyon matapos ang isang maselang operasyon sa kaniyang appendix sa Veterans Hospital.

“Kailangan mabatid ang katotohanan sa sinasabing ballot switching ngunit hindi na mahalaga kung sino ang tunay na nagwagi noong 2004 elections kungdi mabatid kung nagkaroon nga ng breach of security,” paliwanag ni Belmonte.

Ang komite ay kabibilangan nina Cavite Rep. Elpidio Barzaga – chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms; Cebu Rep. Pablo John Garcia-chairman ng House Committee on Public Order and Safety; An Waray Partylist Rep. Florencio “Bem” Noel-chairman ng House Committee on Accounts; Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas-vice chairman ng House Committee on Justice; Rep. Jerry Treñas-chairman ng HOuse Committee on Good Government at House Minority Leader Edcel Lagman.

Magsisilbi namang chairmnan ng Adhoc Committee si House Deputy Speaker Erin Tañada.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply