Banatan sa PBA second final slot

MAGHIHINTAY ang Talk N’ Text kung sino ang maghaharap sa best-of-seven title series sa pagsasara Biyernes ng gabi sa PBA Governor’s Cup elimination sa paglalaro nila laban sa Petron Blaze Boosters sa Smart-Araneta Coliseum.

Magsasalpukan naman sa main game ang Barangay Ginebra (7-5) at ang Rain Or Shine Elasto Painters (6-6) na tangan ng Gin Kings ni coach Jong Uichico ang pagkakataon na maungusan ang Alaska Aces sa abante nilang 1.02 conference quotient na angat sa 1.01 quotient ng Alaska Aces.

Dibalde ang Boosters sa laro nila sa top rank Tropang Texters dahil hindi pa makalalaro sina super rookie Rabeh Al-Hussain, starting guard na si Alex Cabagnot at si Joseph Yeo.

Nabigo ang Rain Or Shine na masungkit ang tsansa na makapasok sa title playoff kasunod ng pag-surender nila sa Alaska Aces sa iskor na 85-91 noong Miyerkules ng gabi. Si Donald Sloan ang inaasahang mangunguna sa Barangay Ginebra na makatutuwang sina most valuable player-candidate Mark Caguioa at ang dalawang Wilsons na sina John at Willy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply