Bandido tepok sa Sulu clash

PATAY sa 15-minutong bakbakan ang isang Abu Sayyaf na tmangkang paslangin ang ilang tropa ng sundalo sa Patikul sa Sulu province, ayon sa ulat ng militar.

Mismong sa lugar din ito, ang lugar na madugong engkuwentro sa pagitan ng ASG at Marine soldiers noong nakaraang buwan na nagresulta sa pagkamatay ng 7 sundalo na dalawa rito ay pinugutan pa ng ulo.

Narekober naman ng mga sundalo ang napatay na bandido habang isinugod naman sa ospital ang isang enlisted personnel na nasugatan sa nasabing bakbakan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang engkuwentro sa  Sitio Panding sa Barangay Bunkaong dakong  8:45 Linggo ng umaga, ayon pa sa military report.

Tumagal ang bakbakan ng may halos 15 minuto at umatras ang mga bandido patungong northeast direction,” ayon pa rin sa ulat.

Ang Abu Sayyaf ay isang loosely organized band ng Islamic fundamentalists na responsable sa pagdukot at bombing attacks sa Mindanao at sa Metro Manila sa mga nakaraang taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply