Bangkay isinilid sa balikbayan box

NAGULANTANG ang mga residente sa Sampaloc, Maynila nang makita sa loob ng isang balikbayan box ang bangkay ng tao Linggo ng tanghali.

Pasado ala-una ng tanghali kanina nang magkagulo ang mga residente sa may España panulukan ng Instruccion St., sa sa pag-aakalang bomba ang laman ng nasabing kahon.

Agad itong itinawag sa MPD-Bomb Disposal Unit  at nang buksan ay nagulat sila nang  hindi naman bomba ang laman ng kahon kundi bangkay ng tao na nakabalot pa sa garbage plastic.

Dahil dito, rumesponde ang MPD-Homicide Section upang imbestigahan ang pagkakilanlan ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply