Bangkay ng lalaki itinapon sa kalsada

NATAGPUAN ang bangkay ng isang lalaki na nakasilid sa isang garbage na iniwan sa kalsada sa Caloocan City Miyerkules ng umaga.

Hinihinalang sinalvage ang biktima na tinatayang nasa edad na 25 hanggang 30, may katamtamang pangangatawan, may tattoo sa leeg na “Daisyrin” at “Cris” naman sa kaliwang dibdib.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga, naglilinis sa Edsa kanto ng Tinio St., Bagong Barrio ang street sweeper na si Norma Bagus nang mapansin ang itim na garbage bag sa kalsada.

Sa pag-aakalang basura ay nilapitan ni Bagus ang plastic upang damputin subalit paghawak sa bag ay biglang lumitaw ang paa ng biktima.

Binuksan ni Bagus ang bag at laking gulat nang makitang patay na tao ang laman na naging dahilan upang itawag sa pulis.

Nabatid na ang biktima ay may saksak sa leeg at bakas na binigti ito.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply